NEW YORK – Nakapagtala ng career-high 23 points at 10 rebounds si Mitchell Robinson, nagdagdag ng 22 points at 10 boards si Julius Randle at iginupo ng New York Knicks ang Chicago Bulls, 125-115.

Dahil sa panalong ito, nawakasan ng Knicks ang kanilang six-game losing streak.

Nagtapos na may 19 points si RJ Barrett at may 17 points at walong rebounds naman si Taj Gibson matapos na makabalik muli sa paglalaro makaraang magpahinga dahil sa pananakit ng likod.

Tumipa ng 26 points si Zach LaVine at may 22 naman si Coby White off the bench para sa Bulls, na mayroon nang dalawang magkasunod na talo.

Sa laro nitong araw, lumamang ang New York ng 17 points sa unang bahagi ng third quarter bago naungusan ng Chicago ng dalawang puntos sa fourth quarter.

Sa pamamagitan ng dunk ni Bulls reserve Daniel Gafford, umakyat ang kanilang puntos sa 110-105 sa huling 3:56 ng laro bago nakagawa ang New York ng 9-2 rund, kabilang na ang pitong puntos mula kay Randle, para makuha ang 119-110 lead sa huling 2 minutes.