-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operators at drivers ng public transport vehicles (PUVs) na maging strikto sa pag-disinfect ng kanilang mga sasakyang bilang bahagi ng health protocols kontra COVID-19.

Ginawa ito ni Transportation Sec. Arthur Tugade matapos na kumalat sa social media kamakailan ang video kung saan minamadali ng mga tauhan ng MRT-3 ang dininfection sa mga bagon ng tren.

Ayon kay Tugade, mahalaga sa pagitityak nang kaligtasan ng mga mananakay kontra COVID-19 ang wastong disinfection sa mga pampublikong sasakyan.

Hindi aniya dapat ito minamadali para matiyak na ligtas at virus-free ang mga PUVs na pinapayagan nang tumakbo o bumiyahe sa gitna ng pandemya.

Kaugnay sa viral video nang disinfection sa mga bagon ng MRT-3, sinabi ni Tugade na kaagad silang nagpatupad ng mga hakbang upang sa gayon ay maiwasan nang maulit ang naturang insidente.

-- Advertisement --

Kasalukuyan ay nahaharap din aniya sa disciplinary action ang mga tauhan ng MRT-3 na nakuhanan ng video.