Hinimok ng Department of Transportation ang mga maritime agencies at stakeholders na makibahagi at makiisa sa mga pangunahing hakbangin ng gobyerno sa ilalim ng Maritime Roadmap 2028.
Ayon sa ahensya, ito ay bilang bahagi ng Bagong Pilipinas campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, mahalaga aniyang naka-angkla ang sa road map ang proyekto maging ang mga programa ng gobyerno at ng pribadong sektor upang mapaganda pa lalo ang serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.
Sinabi rin ng kalihim na mahalaga na isang daan lang ang tinatahak na daan ng mga kasapi sa maritime sector.
Kabilang sa mga ahensya nasa ilalim ng maritime sector ay ang Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Merchant Marine Academy (PMMA), at Cebu Port Authority.
Binigyang diin pa ng opisyal na sa pamamagitan ng pagpasok sa Blue Economy, malaki ang maitutulong nito sa matugunan ang nagbabagong klima at upang mapanatili ang biodiversity ng bansa.