DOTr rapid test 2
IMAGE | Department of Transportation/Facebook

Isinailalim sa rapid antibody testing ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng frontliners na nagsisilbi sa ilalim ng kanilang programa na libreng sakay para sa mga health workers.

Negatibo mula sa nasabing test ang 104 na personnel ng Land Transportation Office, at 51 na ibang pang personnel na assigned sa Alabang bus station.

Pareho rin ang resulta ng test sa 52 personnel sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), pati na mga driver at escorts ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard.

Nagpasalamat naman ang Transportation department sa kompanyang Komutr, na nag-develop ng isang automatic system para sa pangongolekta ng bayad ng mga pasahero.

Tumulong din daw ang kompanya sa pagsasagawa ng rapid testing, gamit ang kits na aprubado ng Food and Drug Administration.

“The Department of Transportation (DOTr) would like to express its sincerest gratitude to Komutr for the generosity it has extended in the conduct of rapid tests for our transport frontliners.”