Pinagbawalan muna ng Department of Tourism (DOT) ang mga turista, mga dayuhan at local tourist na bumibisita sa probinsiya ng Albay lalo na sa mga lugar malapit sa Bulkang Mayon.
Ito ay matapos na itaas mula sa Alert level 2 sa Alert level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa unrest activity ng bulkan.
Sa inilabas na advisory, pinaalalahanan ang publiko at tourism stakeholders na iwasan ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone dahil sa banta ng sudden steam-driven at phreatic eruptions.
Ayon kay DOT Regional Director Herbbie Aguas, bagamat bukas pa ring bumisita ang mga turista sa iba’t ibang tourist attraction sa Albay nag-abiso ito na kailangang iwasan muna ang pagtungo sa mga lugar na malapit sa bulkan.
Dagdag pa ng opisyal na ang mga aktibidad sa turismo sa Mayon Skyline ay ipinagbabawal muna sa ngayon