-- Advertisements --
image 496

Pinawi din ng Department of Science and Technology (DOST) ang pangamba ng publiko na walang dapat ikabahala kaugnay sa pagpapalabas ng wastewater mula sa Fukushima nuclear plant patungo sa karagatan.

Paliwanag ni DOST Secretary Renato Solidum na nasala ang radioactive elements mula sa tubig maliban ang tritium, kung saan ang lebel nito ay hindi naman mapanganib at mas mababa kumpara sa inilalabas ng operational nuclear power plants.

Ang inilabas din aniya na treated wastewater mula sa nasabing planta ay maliit na volume lamang ng tubig kumpara sa napakalaki at napakalawak na karagatan na magdilute kalaunan sa tritium.

Ginawa ng DOST official ang pahayga kasunod ng pagtutol dito ng ilang mangingisda mula sa Japan at Pilipinas.

Makailang ulit na ring iginiit ng Japan na ang wastewater ay harmless , bagay na sinuporthan naman ng UN atomic watchdog na International Atomic Energy Agency

Ang waterwaste discharge ay isang mahalagang hakbang sa decommissioning ng Fukushima Daiichi plant matapos ngang masira ito ng tsunami noong 2011.