Lalakad sa ilalim ng dalawang phase ang programa ng Department of Science and Technology (DOST) para sa mga Pinoy overseas workers na balik-bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni DOST Sec. Fortunato de la Peña matapos ilabas ang guidelines ng “Innovation for Filipinos Working Distantly from the Philippines” (iFWD PH) program.

Unang phase ng assistance program ang capacity-building para sa development at paghawak ng isang technology-based enterprise o negosyo. Susundan ito ng innovation o pagbubuo ng ideya para sa pondo.

“iFWD PH is a support program which aims to help repatriated or returning Overseas Filipinos Workers (OFWs) establish their own technology-based business or microenterprise so that they will be encouraged to settle in the country for good.”

Una nang sinabi ng DOST chief na may iba’t-ibang industriya na maaaring simulan ng isang interesadong OFW para sa negosyo.

“When I say technology-based it might take a wide range. It could mean food processing, it could be metal working, or fabrication, it could be in electronics. It could be in furniture and other housewares. It can be in the field of agriculture. They can also do services,” ani Dela Peña sa Laging Handa briefing.

Kailangan lang pumasa ng returning OFW sa test na gagawin ng DOST. Mula rito ay makakatanggap sila ng P250,000 na pondo para sa itatayong negosto.

“The portion of the fund to be used for equipment acquisition will require repayment without interest over a four-year period,” ayon sa report.