-- Advertisements --

Panibagong nabiktima ng Dallas Mavericks sa kanilang bangis ang Portland Trail Blazers nang ilampaso sa iskor na 132-92.

Walang patawad na hindi na pinaporma ng Mavs ang Blazers sa pangunguna ng All-Star player na si Luka Doncic na kumamada ng 37 points.

Sa init ng kamay ni Doncic umabot sa walong 3-pointers ang kanyang naipasok, at halos walang sablay na 8-for-9 shooting sa long distance.

Nagtala rin siya ng seven rebounds at four assists sa all-around game para iposte ng Mavs ang 22-19 record.

Ang top gunner ng Blazers (25-17) na si Damian Lillard ay medyo inalat din na nagpakita lamang ng 19 points.

-- Advertisement --