Nanindigan si Labor Sec. Silvestre Bello III sa anunsyo nitong walang ipinatupad na deployment ban at sapilitang pagpapauwi sa mga Pinoy workers sa Hong Kong.

Ito’y sa gitna pa rin ng alitan sa pagitan ng mga lokal na nagpo-protesta at pamahalaan ng rehiyon.

Batid naman daw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaguluhan sa Hong Kong pero sa ngayon ay wala umano silang nakikitang dahilan para suspendihin ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFW) at pagpapauwi sa mga ito.

Tiniyak ng kalihim na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagmo-monitor sa sitwasyon.

Ito rin daw kasi ang may kapangyarihan para magpataw ng mandatory repatriation.

Nangako ang DOLE na sakaling lumala pa ang sitwasyon sa Hong Kong ay ipapadala nila sa Macau at China ang mga maapektuhang OFW para sa bagong trabaho.