CAUAYAN CITY – Titiyakin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maibibigay ang separation pay ng mga empliyado ng ABS CBN Corporation kapag ito ay tuluyang nagsara.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi niya na dapat bayaran ng tv network ang isang buwan sa bawat taon na serbisyo ng kanilang mga empleyado kapag tuluyang nagsara.
Gayunman, sinabi ni Kalihim Bello na hindi puwedeng basta na lamang magtatanggal dahil kailangan munang patunayan ng TV network na nalulugi.
Ayon kay Kalihim Bello, kung magtatanggal ang TV network ay hindi mahihirapang maghanap ng trabaho ang mga empliyado dahil may mga kukuha sa kanila na ibang TV network.
Sinabi pa ng kalihim na hindi totoong 11,000 ang empliyado ng nasabing TV network dahil nang magsagawa sila ng inspeksyon ay napag-alaman nilang nasa 4,600 lamang at nasa 1,800 lang ang regular.
Ang kanilang mga outdoor employees aniya ay contractual na lamang kabilang na ang kanilang mga camera man.