-- Advertisements --

Aabot sa 37 na mga driver mula sa lalawigan ng Quirino ang nakatangap ng livelihood starter kits mula sa Department of Labor and Employment.

Ang mga ito ay tsuper na naapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) Program ng gobyerno,

Sila ay nagmula naman sa mga bayan ng Aglipay, Cabaroguis, Diffun at Maddela.

Ang livelihood starter kits ay bahagi pa rin ng EnTSUPERneur livelihood program ng Department of Labor and Employment.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng auto workshop, bread & pastry production, carwash, feeds retailing, fried chicken vending at vulcanizing services bilang kanilang napiling pagkakakitaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Regional Director Jesus Elpidio B. Atal Jr. ang nasabing programa ng ahensya ay may layuning matulungan ang mga driver na mabigyan ng ibang mapagkukunan ng pangkabuhayan maliban sa pamamasada ng jeep.

Una rito ay namahagi na rin ng katulad na tulong ang DOLE sa mga tsuper sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Top