Mahigpit na nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ng tamang pabayad sa kanilang empleyado na papasok sa Nobyembre 1 at 2 na idineklarang special non-working holidays.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na ang mga empleyado na hindi papasok sa November 1 at 2 ay mag-aaply ang “No Work , No Pay” policy.

Sakaling pumasok ang isang empleyado ay mababayaran ng karagdagang 30% sa kaniyang arawang sahod sa unang walong oras.

Sakaling sumubra sa walong oras ang pagpasok ay mababayaran ito ng karagdagang 30% sa sahod nito kada oras.