Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers ng tamang pasahod sa kanilang empleyadong papasok ngayong araw Agosto 12 sa pag-obserba ng Eid’l Adha na idineklarang regular holiday.

Base sa pay ruling ng DOLE, ang sinumang empleyado na pumasok ngayon araw ay makakatanggap ng 200 percent ng kaniyang regular na sahod sa unang walong oras.

Sakaling sila ay mag-overtime o magtrabaho ng mahigit na walong oras ay mababayaran sila ng 30 percent sa kanilang rate kada oras.

Habang ang mga pumasok sa trabaho na natiyempo sa kanilang rest day ay mababayaran ang mga ito ng karadagang 30 percent bukod pa sa kanilang basic wage na 200 percent ngayong araw.

Ang mga empleyado naman na hindi pumasok ngayong araw ay buo pa rin nilang matatanggap ang kanilang sahod.