Pinaalalalahanan ni Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na mayroong hanggang December 24 lamang sila para ibigay ang 13th pay ng kanilang empleyado.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na itinatakda sa batas na dapat huwag ng paabutin sa Disyembre 25 ang pagbibigay nito.

Iginiit din ito na hindi mahalaga kung kumikita o hindi ang isang negosyante basta dapat sila ay sumunod sila sa batas.

Dapat aniya na ito ay ibigay ng cash o katumbas ng isang buwang sahod ng isang empleyado.