Mamimigay ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng bisikleta sa buong bansa para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho pero nais maging delivery service riders sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, nakatakdang ilunsad ang programang ito sa susunod na linggo.

Aabot sa 900 ang inisyal na bilang ng bisikleta nanakatakdang ipamigay ng DOLE sa mga beneficiaries na sasailalim sa training hinggil traffic regulations at financial literacy pati na rin sa occupational safety at health standards.

Sinabi ni Trayvilla na makakatanggap din ang mga beneficiaries ng insulation bag, protective helmet, reflective vst, bike rack, cellphone at load wallet.

Mayroon na rin aniyang partner ang DOLE na mga delivery service providers para sa programang ito.

Ang mga interisado sa programang ito ay maari lamang aniyang mag-apply sa DOLE field offices.

Ang lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Muntinlupa at Manila ang unang makakatanggap ng libreng bisekleta ng DOLE.