Reading Time: 1 minute

Inamin ng doktor ni Eddie Garcia na nakasalalay na sa Panginoon ang kapalaran ng beteranong aktor na nananatiling kritikal ang kondisyon, ilang araw matapos itong matisod sa gitna ng taping sa Maynila nitong Sabado.

Ayon kay Dr. Tony Rebosa, isa sa attending physicians at siyang family spokesperson, naniniwala naman sila sa himala pero nakasaad sa medical bulletin na nasa comatose state pa rin ang 90-year-old multi-awarded actor.

“Talagang his fate is in God’s hands. Well, of course, miracles do happen kaya lang as stated in the bulletin, he’s in critical condition and he’s in coma. Hasn’t regained consciousness since… the gravity kasi of the injuries eh cervical fracture sa neck niya,” ani Rebosa.

Inilarawan pa nito na “really devastated” na ang pamilya ni Manoy habang pinagmamasdan ang paghihirap nito sa intensive care (ICU) unit at hindi pa makausap.

“Dati talagang maliksi siya (Eddie) but now he’s at the ICU so it’s really painful and agonizing for the family,” dagdag nito.