IMG 20200114 200803

Hugas kamay ngayon ang Department of Justice (DoJ) sa pag-urong ni Atty. Jude Sabio ng inihaing reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maging sila ay nasurpresa rin sa ginawang hakbang ni Sabio.

-- Advertisement --

Pero sinabi ni Guevarra na walang kinalaman ang DoJ sa desisyon ni Sabio na huwag nang ipursige ang kaso.

Maalalang si Sabio ang respondent sa reklamong serious illegal detention kasama si dating Senador Antonio Trillanes IV, ay nagsilbing abugado ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato.

Ang reklamo na kanyang inihain na crime against humanity laban kay Pangulong Duterte ay may kinalaman sa umano’y madugong war on drugs ng administrasyon.

Dagdag pa ni Guevarra, kung hindi naman nagamit ang reklamo ni Matobato sa kaso laban kay De Lima at hindi ito naiprisinta bilang ebidensiya sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ay wala itong magiging epekto sa kasong conspiracy to commit illegal drug trade laban sa senadora.