-- Advertisements --

Pinakakasuhan na ng Department of Justice ang ang tatlong indibidwal na sangkot sa pagkamatay ng ilang Chinese nationals at kaso ng abduction ng ilang Pilipino sa Muntinlupa City noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na nakahanda na ang mga kasong ihahain laban sa mga suspect.

Kabilang na rito ang kasong kidnapping, serious illegal detention, homicide at car theft.

Ito ay nakatakdang ihain ng mga prosecutor sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Kinilala naman ang suspect na si Edgar Abarca, Eduardo Abarca, at Oliver Villanueva.

Sangkot umano ang mga ito sa pagkamatay ng anim na Chinese nationals at kidnapping sa tatlong Filipino.

Binanggit ng DOJ na batay sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group-Luzon Field Unit, ang tatlong Pinoy na kinidnap ay pinalaya ng mga suspek sa Calauan, Laguna isang araw matapos ang pagdukot.

Kasunod ng kanilang paglaya, iniulat ng tatlong Pilipino ang insidente sa pulisya na humantong sa sunud-sunod na operasyon nito laban sa mga suspect.

Ayon sa Pulisya, apat na bangkay pa lamang ng mga Chinese national ang narekober habang ang natitirang dalawa ay nawawala pa rin.