Kinumpirma ng Department of Justice na kanila ng natapos ang isinagawang preliminary investigation hinggil sa kaso ng kidnapping at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que.
Sa isinapublikong pahayag ng kagawaran, kanilang ibinahagi na mayroon ng sapat na ebidensya o prima facie evidence with reasonable certainty of conviction kontra sa suspek ng naturang pagpaslang.
Kung saan nakitaan na ng ebidensyang makapagbibigay linaw sa naturang kaso sa itinuturong sangkot rito na si Gong Wen Li o mas kilala sa alyas na Kelly.
Maalala na noong March 29, 2025, ang 67 taong gulang na negosyanteng si Anson Tan Que kasama ang kanyang driver ay natagpuang patay sa Paranaque City.
Bunsod sa konklusyon ng naturang preliminary investigation, ang Department of Justice ay nag-isyu ng resolusyon para isumite bilang kaso sa korte ito ng Kidnapping for Ransom with Homicide laban kay Kelly.
Inirerekomenda din sa kanilang resolusyon na mai-refer sa Philippine National Police Anti-Cybercrime group ang ilan pang respondents para sa case build-up ng paglabag sa batas.
Ngunit giit naman ng kagawaran na hindi ito nangangahulugan na agarang ‘guilty’ na ang suspek, bagkus ito lamang ay isang direktiba upang maituloy ang paglilitis sa pagpresenta ng tiyak na ebidensya.
Buo umano ang paninindigan ng Department of Justice na masuportahan ang pagsasagawa ng patas na imbestigasyon ng walang kinikilingan upang maisilbi ang ng naayon sa prinsipyo ng pagiging hindi bias at due process.