Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ilalabas din nila ang resulta ng kanilang isinagawang high-level review ng mahigit 5,000 drug war operations sa bansa na nagresulta sa pagkamatay ng mga drug suspects.

Pero ayon sa kalihim, ilalabas nila ang report ng drug war sa bansa sa tamang oras.

-- Advertisement --

Una rito, isinumite na ng Department of Justice (DoJ) sa Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigasyon noong Disyembre 2020.

Sinabi ni Guevarra na naglalaman daw ang report ng ilang findings na hindi masyadong pabor sa ilang pulis at mga opisyal na sangkot sa mga operasyon ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Hindi na nagbigay nang karagdagang impormasyon ang justice secretary pero natanggap na rin daw ng PNP ang kopya ng report at binigyan lang nila ng sapat na oras ang pambansang pulisya para magkomento sa findings.

Iginiit naman ni Guevarra na hindi nila tinatago o walang silang balak na itago ang resulta ng imbestigasyon.