-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Department of Health (DOH) na domoble ang pagbayad sa mga biniling personal protective equipment (PPEs).

Sagot ito ng DOH sa harap ng alegasyon na doble ang binayad ng kagawaran para sa kaparehong set ng PPEs na binili naman ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ayon sa DOH, kinailangan nilang bumili nang bulto-bulto ng full sets ng PPEs at mag-order ng loose surgical masks at face shields nang hiwalay para maprotektahan ang mga healthcare workers sa high at low-risk settings.

Sinabi ng kagawaran na ang PS-DBM pa rin ang siyang virtual store, tulad ng online shopping platforms, kung saan available ang mga common-use supplies at equipment, para bilihin ng mga ahensya ng pamahalaan at local government units.

Ang kanilang transaksyon aniya ay hiwalay sa transaksyon naman ng DBM