-- Advertisements --

Aabot na nga sa halos 23,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, batay sa pinakabagong data ng Department of Health.

Ayon sa DOH, nasa 22, 992 ang total na bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa 518 na mga bagong naitalang kaso ng sakit.

Mula sa 518 na yan, 238 ang late cases o mga kaso ng COVID-19 na nakumpirma ng mga laboratoryo sa nakalipas na apat na araw o higit pa, pero ngayon lang na-validate ng DOH.

Nasa 280 naman ang fresh cases o mga kaso ng sakit na nakumpirma at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Ang total deaths ng bansa sa COVID-19 ngayonga araw ay nasa 1,017 na dahil sa anim na bagong namatay.

-- Advertisement --

Habang ang recoveries ay nasa 4,736 dahil naman sa 99 na bagong gumaling.