Matapos ang tatlong araw muling pumalo sa higit 2,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH).
Sa inilabas na case bulletin ng ahensya nitong hapon 2,200 na bagong kumpirmadong kaso ng sakit ang naitala dahil sa ipinasang reports ng 76 mula sa 90 lisensyadong laboratoryo.
Dahil dito umakyat na sa 74,390 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Mula rito, 48,136 na mga kaso pa ang nagpapagaling. Binubuo ito ng 90-percent na mga mild at 9-percent na asymptomatic cases.
Kakaunti naman ang critical cases na nasa 0.4-percent at severe na 0.5-percent lang.
Pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 ang naitala dito pa rin sa NCR, sumunod ang Cebu, Laguna, Rizal at Cavite.
Ang bilang naman recoveries ay nasa 24,383 na dahil sa 760 na bagong gumaling.
Samantalang 1,871 na ang death toll dahil sa 28 na bagong naitalang namatay.
Ayon sa DOH, kaya mataas ang numero ng mga bagong namatay ay dahil sa late na reporting mula Region 7.
Sa ngayon ang case fatality rate daw ng bansa sa COVID-19 ay 2.5-percent
Mula naman sa total case count, 79 duplicates daw ang tinanggal dahil sa patuloy na ginagawang validation sa mga datos.