Pumalo na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, batay sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng Department of Health ngayong gabi.

Batay sa datos ng DOH, 862 ang mga bagong kaso ng sakit na kanilang naitala ngayong araw.

Mula sa nasabing bilang 16 ang fresh cases, o COVID-19 test results na nilabas at na-validate sa nakalipas ng tatlong araw.

Ang 10 ay naitala raw sa iba’t-ibang lugar, anim naman ang galing sa National Capital Region.

Habang 846 ang late cases o test results na ni-release sa mga pasyente sa nakalipas na apat na araw o higit pa, pero late huli nang na-validate.

Ang 238 sa kanila ay galing sa NCR; 235 mula sa repatriated OFWs; 81 ang sa Cental Visayas; habang 292 ang nai-report mula sa iba’t-ibang lugar.

“Today’s fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 15 out of 42 operational laboratories.”

“Late cases reported from May 28-31 are based on the validation of complete line lists from 27 operational laboratories and the partial line list from 1 laboratory. No more late cases will be reported until the remaining 14 operational labs submit their line lists”

Samantala, sumipa na sa 957 ang total deaths dahil sa pitong nai-report ngayon araw.

Ang total recoveries naman ay nasa 3,909 dahil sa 101 na naitalang bagong gumaling.