Lumalabas sa data ng Department of Health na 42-percent ng kalalakihan sa bansa ay naninigarilyo.
Ang halos 1-milyon naman sa mga ito ay gumagamit daw ng e-cigarette o mas kilala sa tawag na vape.
Ayon sa DOH, itinuturing na vulnerable o may mas malaking tsansa na ma-infect ng COVID-19 ang mga regular at malakas gumagamit ng sigarilyo.
“Mas vulnerable sila sa COVID-19 kaysa sa ibang tao. Smoking is known to weaken the immune system, making it less able to respond to infections.”
Sinabi ng World Health Organization sa isang pag-aaral na kabilang ang paninigarilyo sa mga nagdudulot o risk-factor ng chronic obstructive pulmonary disease na uri ng komplikasyon sa baga.
Batay sa research ng WHO-Regional Office for the Eastern Mediterranean sa China, itinuring na at risk na magkaroon ng sintomas ng COVID-19 yung mga taong may respiratory condition na dulot ng paninigarilyo.
Malaking porsyento naman ng mga namatay mula sa 60,000 laboratory confirmed cases ng COVID-19 sa naturang bansa ay may iba’t-ibang komplikasyon, kabilang na ang sa baga.
“Furthermore, WHO said that the act of smoking means the the fingers and possibly contaminated cigarettes are in contact with lips, which increases the possibility of transmission of the virus from hand to mouth.”
“Pinapakiusapan namin ang smokers na huminto na sa paninigarilyo para sa inyong kapakanan at kalusugan.”
“Pinapaalalahanan din namin ang general public na umiwas second-hand smoke mula sa vape o e-cigarettes.”
Sa hawak na datos ng (DOH) karamihan sa mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa ay kabilang sa grupo ng matatanda at kalalakihan.
Karamihan din sa kanila ay may pre-existing condition na pneumonia.
Bagamat hindi pa nae-establish ang direktang ugnayan ng paninigarilyo at COVID-19, malinaw raw na inaatake ng pandemic virus ang respiratory system ng isang infected na tao.