MANILA – Hindi rin nakaligtas sa hagupit ng nagdaang bagyong Ulysses ang ilang pasilidad ng Department of Health (DOH) matapos makapagtala ng ilang damages at problema ang ahensya sa ilang ospital at laboratoryo.
Batay sa report ng ahensya, fully functional at operational naman ang lahat ng DOH hospitals sa National Capital Region. Pero ang Amang Rodriguez Medical Center ay kasalukuyan pa ring nakakaranas ng baha sa ground floor.
“The patients were transferred to the 2nd floor of the said hospital,” ayon sa Health department.
Ang mga pasyente naman ng Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center na nasa makeshift tents ay inilikas muna sa main building ng ospital.
“East Avenue Medical Center and RITM incurred minor damages in their ceilings/roof.”
May ilang ospital din umanong nakaranas ng power outage at problema sa internet connection. Mayroon ding mga empleyado na hindi nakapasok dahil sa epekto ng bagyo.
Nitong Huwebes nang ilikas ng DOH ang COVID-19 patients at staff ng ilang temporary treatment and monitoring facilties sa mga partner hotels dahil din sa epekto ni Ulysses.
RESPONDE SA DOH HOSPITALS, FACILITIES
Namahagi na raw ang Central Office ng hygiene kits at iba pang medical supplies sa regional offices nito sa National Capital Region at Calabarzon.
Nakipag-coordinate na rin ang ahensya sa Office of Civil Defense-Mimaropa para mabigyan ng generator sets ang mga pasilidad na naapektuhan sa rehiyon.
“One Hospital Command Center facilitated transfer of some patients to the hospital. Stand by vehicle to transport oxygen tanks to Amang Rodriguez Medical Center.”
Ang regional offices naman ng ahensya ay naging aktibo rin sa pagtugon ng Central Office. Tulad ng Center for Health Development (CHD)-Metro Manila na nagbigay ng dalawang generator sets sa Amang Rodriguez Medical Center.
“Conducted site visit and distributed assorted medicines especially Doxycycline in San Juan City and Muntinlupa City.”
Sa Cagayan region naman, namahagi raw ng P485-million na halaga ng hygiene kits at mga gamot ang opisina sa Provincial DOH Office (PDOHO)-Isabela.
Tiniyak din ng CHD-Calabarzon ang pagbibigay ng gamot sa San Mateo, Rizal, at monitoring ng PDOHO sa Laguna, Rizal at Quezon kasma ang kani-kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Habang ang CHD-Mimaropa halfway house ay ginamit munang standby shelter ng kanilang mga emplyadong nangangailangan ng tulong.
Nag-aerial inspection namana ng CHD-Bicol sa Camarines Norte, kasama ang DSWD directors para makita ang lawak ng pinsala ng bagyo sa lalawigan.
“Prepared logistics for delivery to Camarines Norte amounting from P600,000 to P4-million.”
“Planned delivery of logistics and site visit to Camarines Norte.”