Hindi pa raw nakikita ng Department of Health ang pangangailangan na magdeklara ng code red alert sa Pilipinas kahit nakapagtala na ng pinaghihinalaang local transmission ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque matapos na may dalawang Pilipino ang nag-positibo sa sakit.

“Well, there is no (local) transmission to speak of as of yet because we only have one (suspected). That’s why we’re doing contact tracing. To establish whether or not there are other cases, but now its premature to say that there is local transmission.”

“You can speculate but we have to be evidence based.”

Isang 48-anyos na lalaking may travel record sa Japan ang ikaapat na tinamaan ng COVID-19. Nilagnat daw ito noong March 3. Eksaktong isang linggo mula nang umuwi galing Tokyo.

Ang isa naman ay 62-anyos na nakilalang regular na bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa Greenhills, San Juan. Wala itong travel record sa labas ng bansa at tanging hypertension at diabetes lang ang sakit bago nag-positibo sa COVID-19.

‘The 5th confirmed case is a 62-year-old male Filipino with known hypertension and diabetes mellitus. Specimen collected on March 4 tested positive for COVID-19 on March 5.”

“Previous visitors to the prayer hall presenting symptoms are encouraged to call the DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150 for proper referral.”

Nasa pangangalaga na raw ng RITM ang dalawang Pinoy, kasama ang isang kamag-anak ng ikalimang kaso na nakitaan din ngayon ng sintomas ng sakit.