-- Advertisements --

Pumalo na sa 32,295 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas ayon sa Department of Health.

Batay sa data ng ahensya, 470 ang numero ng mga bagong kaso ng sakit. Mula sa bilang na yan, 357 ang fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Ang late cases naman na test results na lumabas sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 113.

Ang recoveries naman ay nasa 8,656 dahil sa 214 na bagong gumaling.

Samantalang 18 ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya ang total deaths ay nasa 1,204.

-- Advertisement --

Ayon sa DOH, 14 mula sa 19 na bagong death case ay namatay sa pagitan ng June 4 hanggang 17.

Wala namang duplicate case na tinanggal, pero nilinaw ng ahensya na posibleng magbago pa ang total cases dahil sa patuloy na paglilinis ng DOH sa mga backlog at validation.