Aminado ang Department of Health (DOH) na posibleng dahil din sa hindi wastong pagsunod sa minimum health standard ng publiko kaya patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nitong Linggo nang pumalo sa 2,434 ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit, at ayon sa DOH maaaring resulta ito ng dumaming close contact ng mga nag-positibo dahil sa pagluluwag ng quarantine measures.
“Napaka-importante ng role ng bawat individuals ngayon, because if only they would do the preventive measures that we always emphasize, sana makaka-stop yan ng transmission,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“And we are seeing community transmission kasi so it’s very important na ma-emphasize natin itong minimum health standards, yung individuals role in this battle against COVID.”
Bukod sa mga publiko, paalala ng DOH na may responsibilidad din ang mga nagbukas na establisyemento at mga kompanya sa pagpapatupad ng panuntunan.
“As we see the rise in cases in the past days, kailangan lahat, should be very well aware of these minimum health standard that we need to enforce.”
LATE REPORTING, LABORATORY BACKLOGS
Ayon kay Vergeire, nakakaapekto rin sa inirereport nilang mataas na bilang ng COVID-19 cases ang late reporting ng mga laboratoryo.
“Maraming factors when we discussed with them.”
Sa ngayon, may mga medical technologists sa mga ilang laboratoryo na nagsisilbi na ring encoder at nagpapadala ng report.
Magkakaiba rin daw ang timeline ng ilang laboratoryo sa pag-proseso at pagpapasa ng report.
“The others, they would be submitting kapag natapos pa ang lahat ng runs or processing of their sammples, which is beyong 6pm (deadline of submission).”
Sa ngayon vini-verify pa raw ng DOH ang ulat na may higit 8,000 backlog pa mula sa mga certified COVID-19 testing laboratories.