Bigong maglabas ng bagong case bulletin ang Department of Health (DOH) para sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ilang minuto bago mag-alas-12:00 ng hatinggabi ng July 13 nang maglabas ng advisory ang ahensya hinggil sa pagpapaliban ng anunsyo sa numero ng mga bagong kaso ng sakit para sa petsang July 12.
“Due to the significant volume of data gathered today as part of DOH’s efforts to harmonize data with the cities of NCR and the different regions, the DOH Data Team is still currently in the process of validating today’s numbers,” ayon sa statement.
Gayunpaman, nag-abiso na ang ahensya hinggil sa dami ng mga bagong kaso, gumaling at namatay.
“We also note that ecause of the volume of data being validated, based on initial findings we are seeing an increase in today’s number of reported cases, recoveries, deaths.”
Nilinaw ng DOH na kinikilala nila ang kahalagahan ng paghahatid ng real-time o napapanahong impormasyon, pero nais lang din umano nilang matiyak na tama ang datos na kanilang ilalabas sa publiko.
“With this, the DOH will be providing a comprehensive report of today’s numbers tomorrow at 8:30 AM.”
Sa huling tala ng ahensya, as of July 11, pumalo na sa 54,222 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas dahil sa 1,387 na bilang ng mga bagong tinamaan ng sakit.
Ang total recoveries ay nasa 14,037 habang ang death toll ay umakyat na sa 1,372.