-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga pagamutan na iniipit ang mga pasyenteng hindi agad makapagbayad ng kanilang hospital bills.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagharang ng mga ospital sa mga pasyente na wala pang kakayahan mag-settle ng kanilang accounts sa pagamutan, pati na ang pagre-refer sa kanila sa mga lending companies.

“They (patients) can leave a promissory note with that promise of course that they have to pay (even) in installment kung kailangan. Hindi pwedeng i-detain ang pasyente.”

Paliwanag ng opisyal, maaari naman daw humingi ng identification card o kahit anong proof sa pagkakakilanlan at address ng pasyente para matiyak na kahit umalis ito ng pasilidad ay magbabayad.

“I dont think directing them to lending facilities is proper.”

Naiintindihan naman daw ng Health department ang pangangailangan ng mga ospital, kaya dapat umanong dumaan sa maayos na usapan ang kasunduan sa usapin ng hospital bills.

Sa ngayon patuloy na lumalakad ang One Hospital Command initiative ng gobyerno kung saan hinahatid sa ospital at treatment facilties ang mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Bernadett Velasco, project manager ng OHC, nasa higit 2,200 cases na ang kanilang nahatid sa kailangan nilang pasilidad habang nagpapagaling. May 2,400 iba pang cases naman na pino-proseso ang referral.