Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi nila tuluyang mapipigilan ang mga tao na gumamit ng iba’t-ibang uri ng paputok ngayong kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque, kung sakaling hindi talaga maiwasan ay dapat ang gamitin na lamang ng mga tao ay yung ligtas na uri ng paputok at hindi yung nakakapaminsala.

Nauna rito inilunsad na ng DOH ang kanilang kampanya sa iwas paputok ngayong holiday season.

Bagamat noong nakaraang taon ay bumaba ang mga nabiktima ng paputok ay nais pa rin nila na magkaroon na ng zero-injuries sa taunang pagsalubong ng bagong taon.