-- Advertisements --

Umakyat pa sa 51,754 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na COVID-19 sa Pilipinas, batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH).

Nakapagtala ang ahensya ng 1,395 na bagong confirmed cases. Binubuo ito ng 1,814 fresh cases o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta ng test at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

May 211 din na late cases, o confirmed cases na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na raw pero ngayon lang na-validate.

“Today’s fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 62 out of 74 current operational labs.”

Ang bilang naman ng active cases o confirmed cases na nagpapagaling pa ay nasa 37,627.

Samantala ang total recoveries ay nasa 12,813 na dahil sa 225 na bagong gumaling.

Wala namang naitala na bagong namatay kaya nananatili sa 1,314 ang total deaths.

“No reported deaths today as the reported deaths submitted still requires validation – either the date or cause of death is missing.”