-- Advertisements --

Patuloy pang nadagdagan ang bilang ng health care workers sa bansa na tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19), na ngayon ay umaabot na ang total sa 4,443.

Ayon sa Department of Health (DOH) situational report, as of July 25, 505 na iba pang medical frontliners ang tinamaan ng COVID-19.

Mula sa nasabing total, may 3,456 nang gumaling dahil sa 256 na bagong recoveries.

Pero ang death toll sa mga infected health workers ay nadagdagan pa ng isa, kaya 36 na.

Ang active cases, o yung mga nagpapagaling pang may sakit na frontliner ay nasa 951 pa.

Pinakamaraming tinamaan ng sakit sa hanay ng mga nurse, doktor, nursing assistants, medical technologists at radiologic technologists.