-- Advertisements --

Umakyat pa sa 67,456 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health, may 2,241 na nai-report na bagong tinamaan ng sakit ang 74 mula sa 84 na lisensyadong laboratoryo.

Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang galing sa National Capital Region, sinundan ng Laguna, Cavite, Rizal at Cebu.

Mula sa higit 67,000 total ng confirmed cases, may 43,160 na active cases o nagpapagaling pa.

Nasa 398 naman ang nadagdag sa total recoveries na ngayon ay pumapalo na sa 22,465.

Samantalang ang death toll ay umabot na sa 1,831 dahil sa 58 na bagong namatay.

“Of the 58 deaths, 25 (43%) in July and 33 (57%) in June. Deaths were from Region 7 (54 or 93%), NCR (1 or 2%), Region 1 (1 or 2%), Region 9 (1 or 2%), and Region 11 (1 or 2%).”

Ayon sa DOH, 89 na duplicate ang kanilang tinanggal sa total case count matapos ang ginawang validation.

Asahan pa raw ang pagbabago sa total case count sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na paglilinis ng ahensya sa mga backlog at validation ng mga datos.