Reading Time: 1 minute

Ilang buwan nang pinaghahanap ng mga otoridad ang 57-anyos na si Freddie Mack matapos ang biglaang pagkawala nito.

Nabatid ng mga medical examiners na ang natagpuang pira-pirasong buto mula sa dumi ng mga aso ay galing sa kanilang sariling amo.

Ayon kay Johnson County Deputy Aaron Pitts, kinain umano ng 18 mixed-breed na mga aso ang katawan ng biktima pati na rin ang damit at buhok nito.

“Never have we ever, or anyone we’ve spoken to, heard of an entire human being consumed,” ani Pitt. “The bones were completely broken up and eaten.”

Mayroon umanong dinaramdam na sakit si Mack. Inaalam pa ng mga otoridad kung pinatay ng mga aso ang biktima o kinain ng mga ito ang bangkay matapos nitong mamatay dahil sa kaniyang sakit.

“Either way, it is a very gruesome event and we extend our sympathy to Freddie Mack’s family,” saad ni Sheriff Adam King. (USA today)