Novak Djokovic
Serbian star Novak Djokovic (photo from @DjokerNole)

Malaki ang paniniwala ni Novak Djokovic na mauulit niya ang paghawak ng apat na Grand Slam title ng sabay-sabay.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagsisimula ng French Open kung saan target nitong maging pangalawang manlalaro na makumpleto ang nasabing laban.

Hawak na nito ang Wimbledon, US Open at Australian Open kaya pinagbubuti niyang maayos bago ang pagsabak sa French Open.

Sinabi ng 32-anyos na Serbian tennis superstar na ito ang karagdagang motibasyon para sa tuluyang makuha ang oportunidad na hawakan ang apat na Slams.

Unang makakalaban niya sa torneyo na magsisimula sa Hunyo 9 ay si world’s number 43 Hubert Hurkacz ng Poland.