Reading Time: 1 minute
Novak Djokovic
Djokovic/ IG post

Pasok na sa finals ng Wimbledon si defending champion Novak Djokovic matapos talunin si Roberto Batista Agut.

Nakuha ng Serbian tennis star ang score na 6-2, 4-6, 6-3, 6-2 para tuluyang talunin ang pambato ng Spain na si Batista Agut.

Target ni Djokovic na makuha ang pang-limang Wimbledon title at 16th grand slam overall.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Roger Federer at Rafael Nadal.