Hindi na madedepensahan pa ni Serbian star Novak Djokovic ang kanyang titulo sa US Open makaraang umurong ito dahil sa injury kontra sa 23rd seed na si Stan Wawrinka.

Napilitan ang 32-anyos na si Djokovic na umatras dahil sa iniinda nitong problema sa balikat.

Inulan naman ng kantiyaw si Djokovic mula sa mga manonood dahil sa naging pasya nito.

“I’m sorry for the crowd. They came to see a full match but it wasn’t to be,” anang world No. 1. “I mean, a lot of people didn’t know what’s happening, so you cannot blame them.”

Dinomina ni three-time Grand Slam champion Wawrinka ang tagisan nila ni Djokovic sa last 16, 6-4 7-5 2-0.

Sunod na haharapin ni Wawrinka ang Russian fifth seed na si Daniil Medvedev sa quarter-finals.