-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maraming restaurant at hotel workers sa Boracay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang gustong magtrabaho bilang contact tracers.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maging sa lalawigan ay maraming displaced workers ang aplikante sa contact tracing job.
Ayon kay Usec. Malaya, kailangan ang mga nasabing aplikante dahil kapag nagbalikan ang mga turista sa Boracay, tataas ang pangangailangan ng contact tracers.
Inihayag ni Usec. Malaya na karagdagang contact traces ang ipapadala sa Region 6 lalo sa Aklan sakaling kulangin ang mga aplikante.
















