Hindi binigo ni Josh Richardson ang diskarte ng Filipino-American coach na si Erik Spoelstra sa fourth quarter upang makasungkit ng panalo ang Miami Heat laban sa Chicago Bulls, 103-96.

Tumipa si Richardson ng 12 points sa loob lamang ng huling quarter mula sa kabuuang 27 points.

Paliwanag ni Spoelstra, nagdesisyon siyang ibabad ng husto sa closing minutes si Josh sa halip na kadalasan ay si Dwyane Wade.

Bagamat kilala raw nila na “the best” sa closing minutes si Wade, nakita naman daw niya na umaangat na ng husto ang laro ni Richardson na kaya nilang sandalan.

Nag-ambag din si Bam Adebayo ng 14 points at 13 rebounds para hawakan ng Heat ang kalamangan na muntikang mabulilyaso ang 26-point lead nila sa fourth quarter.

Sa kampo ng Bulls nanguna doon si Justin Holiday na nagtala ng 27 points at 13 rebounds at si Zach LaVine naman ay nagdagdag ng 24.

Sa ngayon bahagyang umangat ang Miami sa 7-14 record, habang hawak naman ng Chicago ang kartada na 5-14.

Sunod na misyon ng Heat ang Toronto sa Lunes.

Ang Bulls naman ay may harapan sa Minnesota bukas.