-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ilulunsad ng Diocese of Ilagan ang 16 core values ng mga kandidatong dapat na iboto sa kanilang sa voters Education.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mother Mary Peter Camille Marasigan ng Social Action ng Diocese of Ilagan sinabi niya na ito ang labing anim na gabay kung paano piliin ang ihahalal na kandidato.

Ang naturang programa ay ilulunsad sa buwan ng Marso kung saan kumuha sila ng 16 na tagapag-bahagi tulad ng mga pari at mga madre na magbabahagi ng reflection para mas mapalalim ang pang-unawa sa 16 core values na dapat taglayin ng mga kandidato na karapat dapat iboto.

Ilan sa mga makakatuwang ng Diocese of Ilagan ang PPCRV, Circle of discernment, halalang marangal at NAMFREL.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng iba’t ibang aktibidad bilang pakikibahagi sa nalalapit na halalan.

Bilang bahagi ng PPCRV ay tuloy tuloy ang isinasagawang training upang hubugin ang 2,000 volunteers na kanilang makakatuwang mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Isabela.

Maliban pa sa isinasagawang pagpupulong kasama ang mga Pari ng IFI at mga Episcopal Priest kasama si Bishop Gerry Sagun.

Kaugnay nito nagsagawa rin ng open dialogue para sama-samang magtulungan ang katoliko at mga hindi katoliko para makabuo ng isang maayos na volunteer na kanilang magiging katuwang sa darating na halalan.

Mayroon ring dasal na ipinapakalat ang Diocese of Ilagan na isinalin sa Iloco ni Bishop William Antonio sa ibat ibang parokya na dadasalin habang papalapit ang halalan.

Patuloy rin silang nakikipag-ugnayan sa mga Municipal at City Election Officers,.

May ilang ginanap ring virtual training sa mga election volunteers sa Luzon Visayas at Mindanao kabilang ang Northern Luzon.