Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan si Dingle Iloilo Mayor Rufino Palabrica dahil sa kasong graft.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan Special Sixth Division, napatunayan na guilty si Palabrica sa dalawang counts ng paglabag sa Section 3 (h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Dahil dito, makukulong si Palabrica ng anim hanggang walong taon sa bawat counts na kanyang nilabag.

Hindi na rin maaring makahawak si Palabrica ng anumang posisyon sa gobyerno.

Matandaan na nag-ugat ang kaso laban kay Palabrica matapos mag isyu ang alkalde ng permit at lease contract sa drug store na pagmamay-ari mismo nito.

Matapos makitaan ng Office of the Ombudsman ng probable cause ang kaso, kanila itong iniakyat sa Sandiganbayan.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan matapos ang anim na taon, napatunayan na guilty ang alkalde beyond reasonable doubt.