Nakatakdang bumalik na sa trabaho si DILG Secretary Eduardo Año sa darating na April 16 sa susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni DILG OIC Usec Bernardo Florece.

Ayon kay Florece, dapat sana ay balik na sa trabaho ang kalihim nuong April 1 subalit hiniling nito ang isa pang 15 days extension.

Magugunita na January 11 nagsimula ang medical leave ng kalihim, layon nito para makarekober sa COVID-19 virus.

Dalawang beses na ring napositibo sa COVID-19 virus si una, una noong March 3, 2020 at nasundan ito noong August 16.

Sa ngayon, mabuti na ang kalagayan ng kalihim at nagpapahinga na ito sa kanilang bahay.

“Nagpa-extend lang siya until April 15 but he will be back after April 15, yeah he is okay now bagama’t siguro para hindi mabigla baka mag-work from home pa rin siya kapag nag-report siya sa april 16 pero tuloy-tuloy na yun,” pahayag pa ni Usec .Florece.