-- Advertisements --

MANILA – Pinag-aaralan na ngayon ng DILG ang hiling ng ilang local government units na extension para sa pamamahagi ng financial aide para duon sa mga ECQ beneficiaries lalo na ang mga malalaking siyudad sa NCR Plus bubble.

Ayon kay Florece, isa si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang humiling na i-extend ang distribusyon ng cash aid.

Paliwanag ni Belmonte kay Florece, ang Quezon City ay mayroong 2.8 million beneficiaries, kaya ang ginagawa nila ay tig-2,000 katao kada araw para ma-meet lamang ang itinakdang deadline ng national government.

Sinabi ni Florece kung 2,000 katao lumabas kada araw ay mahirap mapanatili ang social distancing.

Kaya kung ang gagawin ng siyudad na tig-500 o 1,000 katao kada araw hindi nila ito matatapos sa loob ng 15 araw.

Una nang sinabi ni Belmonte na nasa mahigit P2.4 billion financial aid ang ibinigay ng national government sa Quezon City.

Ang isang pamilya na mayruong apat na miyembro ay makakatanggap ng P4,000 na pinansiyal na tulong.

Ni-require din ng DILG ang mga LGUs na i-post ang listahan ng mga beneficiaries.

Mag-iisyu naman ng show cause order ang DILG sa mga LGUs na hindi sumunod sa guidelines na inilabas ng DILG at DSWD.

Siniguro rin ng pamunuan ng DILG na may mga safeguards silang ipinatupad para ang nasabing ayuda ay mapunta sa mga beneficiaries.

Nagtatag na ang DILG ng Joint Monitoring and Inspection Team sa bawat LGU na binubuo ng DILG, City/Municipal Local Government Operations Offer at mga representatives mula sa DSWD, PNP, City or Provincial Prosecutors Office, Civil Society organizations.

Ang nasabing team ang siyang tutugon sa mga matatanggap na reklamo.