Reading Time: 1 minute

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGU) na makibahagi sa nationwide earthquake drill bukas Hunyo 20.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, na dapat mahigpit na obserbahan ng mga LGU ang kanilang kahandaan kapag dumating ang anumang sakuna.

Hinikayat din nito na magkaroon ng audit sa mga insfrastructure sa kanilang lugar para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Magiging sentro ng second quarter nationwide earthquake drill ang Paoay, Ilocos Norte.