Reading Time: 1 minute

Proud si Diether Ocampo na ganap na siyang lieutenant commander sa Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Ito’y matapos sumailalim ng actor-businessman sa seafarer training kung saan kanya aniyang napahalagahan ang pagiging bahagi sa naturang industriya.

“Masarap na maging bahagi ng isang industriya na naging malaki ang kontribusyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami tayong kababayan na hindi nabibigyan ng pansin,” saad nito sa 10-minute video bilang maritime advocate.

Mismong ang Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training ang nag-post sa kanilang Facebook page ng mensahe ni Ocampo.

Kung maaalala, pinag-usapan din ang aktor na si Matteo Guidicelli na isa namang 2/Lt. sa Army Reserve Command ng Philippine Army.

Nitong Hunyo nang ginawaran ng espesyal na pagkilala si Matteo Guidicelli kasabay ng pagtatapos nito sa kanyang halos isang buwang training ng Scout Ranger Orientation Course sa Camp Tecson, Bulacan. (photo: PCG Auxiliary 116th Squadron)