LAOAG CITY – Nagpaliwanag si Mrs. Benilda Sadian, jail warden ng Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ), sa harap ng Sangguniang Panlalawigan kung bakit hindi nito tinanggap ang ilang Persons Deprived of Liberty (INPJ).

Ayon kay Sadian, hindi na kasi kakasya ang mga ito sa quarantine isolation ng provincial jail at bilang pagsunod na rin sa quarantine protocols.

Sinabi ni Sadian na umaabot sa 275 ang mga preso sa INPJ kaya itinuturing na kulang na ang espasyo at kapos na rin ang mga nagsisilbing health workers.

Dahil dito, pansamantalang mananatili ang ilang PDL sa kustodiya ng Laoag-Philippine National Police, matapos hindi tinanggap ng INPJ.

Unang naglabas ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government ukol sa temporary suspension of commitment.