Reading Time: 1 minute

Mariing itinanggi ng kapitan ng bangkang binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank na kinuyog ng mga Pilipinong mangingisda ang foreign boat.

Sa isang panayam, sinabi ni Jonel Insigne na tanging sila lamang ang Pilipinong mangingisda sa area nang mangyari ang insidente noong Hunyo 9.

Hindi aniya totoo ang sinabi ng Chinese embassy na kinuyog ng mga mangingisdang Pilipino ang Chinese vessel na bumangga sa kanila.

Nauna nang nanindigan ang Chinese embassy na walang “hit-and-run” incident pagkatapos ng collission.