Reading Time: 1 minute

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa insidente ng car bombing sa Benghazi City, Libya kung saan dalawang staff ng United Nations ang namatay.

Ayon sa Philippine Embassy to Libya, patuloy ang koordinasyon ng kanilang hanay sa Filipino Community sa lugar para masigurong ligtas ang mga ito mula sa insidente.

Batay sa ulat, nangyari ang pagsabog malapit sa isang supermarket kung saan maraming Pilipino umano ang madalas mamili.

Dalawang UN Support Mission staff naman ang nasawi habang nasa gitna ng pakikipag-kasundo sa tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng Libyan National Army.

Sa ngayon patuloy daw na mino-monitor ng Embahada ang sitwasyon sa Hawari District kung saan nangyari ang pag-atake.